dear-diary

 

May mga bagay na akala mo dati hindi mo kayang lampasan.

Mabuti nalang hindi lahat ng akala tama.

Yung mga bagay na iniyakan mo ng balde-baldeng luha, mga bagay na pinagsisihan mo kung ba’t mo pa pinasok, mga bagay na nung nangyari halos ay pinasan mo na langit at lupa. Yung mga bagay na nag alis ng tapang mo pero naglabas naman ng uri ng tapang na kaya mo palang harapin ang problemang hinaharap mo.  Mga bagay na nagdala ng panahong di mo na gustong bumangon sa higaan. Mga panahong ang pagtulog ang tanging paraan para di mo maisip ang sakit. Panahong nagagawa mong tumawa pero mahirap maging masaya. Mga panahong ang tanging salitang bumabalik-balik sa isip mo ay “Bakit ako?”.

Oo, tamang yung mga bagay na nangyayari sayo ay kagagawan mo. Pero may mga bagay na kailangan pagdaanan para matuto tayo. May mga bagay nga natutunan ng kusa, may mga aral na nakukuha pagharap ng pagsubok.

Hindi lahat ng umiiyak, mahina. At hindi lahat ng mahina, talunan. Yung iba, mahina nga, umiiyak pero lumalaban.

Sabi nga nila, pag may pagsubok kang pinadadaanan, daanan mo lang. Wag mong tambayan.

Hindi naman nagtatagal ang bagyo. Lahat ng bagay may katapusan. Maari kang umiyak ngayon at sa susunond na mga araw. Pero hindi ibig sabihin sa susunod na mga panahon iiyak ka pa rin.

Yung mga bagay na dati mong iniiyakan magugulat ka na lang isang araw hindi mo na mararamdaman.

 

2 thoughts on “

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s